Hawak na ng mga awtoridad ang isang dating pulis sa France makaraang mahuli sa pag-order nito ng mga video ng rape at sexual assault, na ang ilan ay menor de edad, mula sa Pilipinas.
Hindi pinangalanan ang 55-anyos na suspek na kabilang sa sabwatan para gumawa ng kahalayan sa mga menor de edad, ayon sa eastern city of Nancy prosecutor.
Nakatanggap umano ng tip ang mga opisyal sa France mula sa imbestigador ng US Department of Homeland Security sa mga aktibidad na ginagawa ng isang French national sa pagitan ng 2017 at 2018.
Nag-ugat ang pagkakahuli sa suspek mula sa isang raid na ginawa sa Pilipinas kung saan nakuha ang mga ebidensya sa pag-live stream ng mga sexual assault.
Modus umano ng live stream na ito na i-broadcast ang pangmomolestiya sa mga biktima, kabilang ang mga menor de edad, kapalit ang bayad na tinatayang $15 hanggang $60.
Sa isang online chatroom nagaganap ang transaksiyon kung saan ang mga kliyente umano ang pipili sa profile ng biktima, maaaring recorded umano ang video o live depende sa gusto ng kliyente.
Umamin umano ang suspek sa mga imbestigador na nagbayad ito para sa nasabing video pero idiniin na ilan lamang sa mga ito ang kinasangkutan ng mga menor de edad.