Binistay ng bala ng isa umanong dating pulis ang tatlo katao na ikinamatay ng dalawa sa Nueva Ecija.
Sa nakalap na impormasyon mula sa tanggapan ni P/Supt. Ponciano Zafra, alas-nuwebe ng gabi nang nangyari ang unang insidente sa tahanan ni Babylyn Obosa Cabling sa Purok Malinis 2, Brgy. Barrera.
Gamit ang maikling baril ay pinagbabaril diumano ng dating pulis na si Franklin Adriano Hizon, 33, ng Brgy. San Mariano, Sta. Rosa, Nueva Ecija ang tatlong di pa nakikilalang katao na ikinasawi ng dalawa.
Ang sugatan ay dinala sa Dr. PJG Medical Research and Medical Center, habang hinahanting si Hizon.
Alas-12:00 naman ng hatinggabi nang maganap ang sumunod na pamamaril sa No. 01 Ramirez Ext., Brgy. Aduas Centro at napatay ng di nakilalang riding-in-tandem ang isang Alyas ‘Tony’ na residente ng Sta. Rosa, Nueva Ecija at nasugatan si Danilo Lionson Cuerda, 51, residente ng Brgy. Aduas.
Ayon sa pulisya kasama sa drug watch list si Cuerda na naka-confine sa isang pagamutan sa lungsod.