Patay ang dating konsehal ng bayan ng Donsol, Sorsogon makaraang pagbabarilin habang nakatayo sa pagmamay-aring gasolinahan kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si ex-councilor Vicente Bonaobra, 65, negosyante, at residente ng Barangay Central ng nabanggit na bayan.

Ayon kay Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP (Philippine National Police), naganap ang insidente dakong alas-6:46 ng umaga nang lapitan ng suspek na armado ng baril at puntiryahin sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan na agaran nitong ikinamatay.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng pagpatay at isa sa tinitingnang anggulo ay may kinalaman sa negosyo at sa pulitika.