Ngayong exclusively dating na ang status ng Kapuso actress na si Maine Mendoza at Kapamilya actor na si Arjo Atayde, curious ang mga netizen sa kung ano ang reaksyon ng ex-dyowa ni Arjo na si Sammie Rimando.
Nobyembre ng nakaraang taon lang ay kinumpirma ng Girltrend member na tinapos na nga nila ng aktor ang mahigit isang taon nilang relasyon.
Matapos ang pag-amin ni Sammie sa hiwalayan nila ng aktor ay kumalat ang isyu ng madalas na pagkikita nina Arjo at Maine.
Hinggil sa “dating status” ng ArDub o ArMaine, rumesbak na ang ex-dyowa ni Arjo. Nakapanayam ng Cinema News si Sammie tungkol sa namumuong relasyon ng dalawa.
Aniya, “Hindi naman sa wala akong connection but it’s their personal life. Basta masaya ako kasi masaya siya,” reaksyon niya na tumutukoy kay Arjo.
Tungkol sa hiwalayan nila ng aktor, nilinaw niya na maayos ang naging break-up nila. Kapwa rin umano nilang napag-usapan na magpo-focus sila sa career. Kaya naman hanggang ngayon ay single pa rin ang Girltrends member.
Paglilinaw niya, “Masaya ako ngayon kasi mas nagagawa ko ang mga bagay-bagay, mas marami akong nalalaan na time sa career ko.”