Hindi umano habambuhay makakapagtago kay Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa sa limang narco-generals na pinangalanan nitong sangkot sa illegal drug trade.

Sinabi ng Pangulo na gugugulin niya ang natitirang tatlong taon ng kanyang termino para makita sina dating Police Deputy Director General Marcelo Garbo Jr. at dating Pol. Chief Superintendent Vicente Loot na ngayon ay alkalde ng Daang bantayan, Cebu.

Ayon sa Presidente, Si Garbo ang protektor ng mga druglord sa bansa habang si Loot ang nagdala ng problema sa Visayas dahil sa shabu.

Binigyan-diin ng Pangulo na hindi niya haha­yaang maibaon sa limot ang ginawa ng dala­wang narco-general sa mga pilipino kayat gagawa siya ng paraan sa natitirang tatlong taon ng kanyang termino.

“I am telling you now. P***** i** ninyo I will never let you get away with this. I will not let you get away with this for as long as I am working there in Pasig. I will find a way. You will know in the remaining three years,” anang Pangulo.

Sina Loot at Garbo aniya ay mga police aide ni da­ting DILG secretary Mar Roxas at nakagawa ng krimen na maituturing na treason o pagtataksil sa bayan.

“Loot and Garbo were police aides of Roxas. These animals studied in PMA. But when they became police officers, they committed crimes. In ol­den times, it is treason. That is what happened then.

The mayors, the generals. Loot is stupid. He would say… I would… P***** i** kang General Loot ka, you have the brain of a CAFGU,” dagdag pa ng Pangulo.

Hanggang ngayon ay hindi alam ng Philippine National Police kung saan nagtatago si Garbo gayondin si Loot.