Iniutos kahapon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pagsasampa sa Sandiganbayan ng kasong graft at malversation laban kay dating Ilo­ilo Rep. Niel Tupas Jr., dahil sa umano’y maano­malyang paggamit ng pork barrel funds.

Kasong malversation through public documents at dalawang bilang ng graft ang isinampang kaso kay Tupas gayundin kina Allan Javellana, Rhodora Mendoza, Romulo Relevo at Ma Julie Villaralvo-Johnson na pawang opisyal ng National Agri-Business Corp. (NABCOR) at Marilou Antonio ng Kabuhayan at Kalusugan Alay sa Masa Foundation Inc.

Sa rekord ng Ombudsman, 2008 nang sulatan ni Tupas ang Department of Agriculture para ilipat sa NABCOR ang kanyang P5B pork barrel funds.