Ex-Leyte mayor kalaboso sa sabong

Kalaboso ang dating alkalde ng Leyte matapos mapatunayan sa salang paglabag sa Section 3(j) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa labing-anim na pahinang desisyon ng San­diganbayan Fifth Division, napatuna­yang ‘guilty beyond reasonable doubt’ para sa nasabing pag­labag si da­ting mayor Charita Chan ng Babat­ngon, Leyte.

Dahil dito, pinatawan ng mula anim hanggang pitong taong pagkakakulong si Chan bukod sa pinagbabawalan na itong humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.
Inakusahan si Chan na nag-isyu ng mayor’s permit noong Abril 2012 na nagpapahintulot sa Liga ng mga Barangay na magkaroon ng sabong kada Sabado sa kabila ng pagbabawal nito sa ilalim ng Sections 5(d) at 5(e) ng Cockfighting Law ng 1974 at Municipal Ordinance No. 281.

Lumilitaw na ang municipal resolution na suportado ng permit ay kagagawan umano mismo ni Chan base na rin sa endorsement letter.

Kasabay nito, pinawalang-sala naman si Chan sa isa pa nitong kasong paglabag din sa kahalintulad na probisyon dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Base naman ang kaso sa sinasabing pag-isyu ni Chan ng permit para sa Babatngon Gallera’s cockpit operation.

Nabigo ang prosekusyon na patunayan na nag-isyu ng permit si Chan pabor sa Babatngon Gallera. (Eralyn Prado)