Kinasuhan sa Sandi­ganbayan ng Office of the Ombudsman ang dating alkalde ng Babatngon Leyte matapos nitong bigyan ng permit ang isang sabungan nang walang isinumiteng mga kumpletong requirement.

Si dating Babatngon Mayor Charita Chan ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa Presidential Decree No. 1802 (Creating­ the Gamefowl Commission) at paglabag sa isang local cockfighting­ ordinance.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martirez noong 2009 ay binigyan ni Chan ng permit to operate ang negosyanteng si Nicomedes Ade para sa isang sabungan sa lalawigan, ito ay sa kabila ng nauna nang na-deny na mabig­yan ng mayors­ permit ang negos­yante dahil kulang-kulang ang mga requirement nito kabilang na ang building­ permit, location at vicinity­ map, building plan at certification na ang sabungan ay malayo ng 200-meter radius sa mga residential at commercial area.

Malinaw na ginamit umano ni Chan ang kanyang posisyon para pagbigyan si Ade.

Inirekomenda naman ng Ombudsman ang P30,000 piyansa laban kay Chan.
(Tina Mendoza)