Guilty sa katiwalian ang naging hatol ng Sandiganbayan sa dating alkalde matapos nitong bumili ng may P1.8 milyong halaga ng gasolina sa gas station na pag-aari ng kanyang misis.

Pinatawan ng 7th Division ng anim hanggang walong taon na pagkakakulong sa bawat 36 counts of graf
t si dating Gamu town, Isabela mayor Fernando Cumigad.

Hindi na rin siya puwedeng humawak ng anumang puwesto sa public office.
Dinepensa ni Cumigad na hindi niya alam na pag-aari ng asawa niyang si Marilou ang gas station na FOC Petron dahil hindi nakalagay ang pangalan nito sa mga voucher at tseke.

“Accused’s defense predicated on a bare denial is at most self-serving, unsubstantiated by clear and convincing evidence. Surely, such denial is a mere attempt to avoid liability,” punto naman ng anti-graft court.

Maliban dito, lumabag din umano si Cumigad sa government rule dahil hindi nito idinaan sa public bidding ang supply deal para sa pagbili ng gasolina ng lokal na pamahalaan ng Gamu. (Issa Santiago)