Ex-mayor ng Cagayan kulong sa graft

Hinatulang mabilanggo ng anim hanggang 10-taon ang dating alkalde ng Buguey, Cagayan dahil sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sinasabing iligal ang ginawang pag-ipit ni dating Buguey Mayor Ignacio Taruc sa suweldo ng limang empleyado noong 2007.

Bukod sa pagkakakulong, ay bawal na rin humawak si Taruc ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Nagawang dikdikin ng Ombudsman prosecutors ang dating alkalde sa pamamagitan ng mga iprinisintang dokumento.

“Accused demonstra­ted his perverse motive, known appointees of his political rival, by his refusal to sign the check,” ayon sa dokumentong inilatag ng prosekusyon.