Nagluluksa ang mga kaanak at sumusuporta kay dating Dagupan City Mayor ­Benjamin “Benjie” S. Lim sa pagpanaw nito dahil sa pneumonia.

Sa isang ospital sa Makati City binawian ng buhay si Lim, 66-anyos, habang nilalabanan ang karamdaman ala-1:09 ng madaling-araw kahapon. Bago ito, nakaranas na ng stroke ang dating alkalde noong May 2013 elections kung saan ito tumakbo para sa reelection.

Bukod sa pagiging alkalde mula 2001 hanggang 2007 at 2010 hanggang 2013, naging kongresista si Lim ng ika-apat na distrito ng Pangasinan mula 1998 hanggang 2001.

Tinawag si Lim bilang Father of Bangus Festival dahil sa pagsisimula nito ng taunang selebrasyon noong 2001.