Kulong si dating Mayor Cesar Alpay ng Unisan, Quezon Province matapos na hatulan ng Sandiganbayan dahil sa kasong 19 counts of Falsification of Public Documents sa ilalim ng Article 171 ng Revised Penal Code na may kinalaman sa iregularidad sa ‘Isang Bayan, Isang Produkto, Isang Milyong Programa ni Pangulong GMA’.

Si Alpay ay hinatulang makulong nang anim na buwan at isang araw bilang minimum hanggang anim na taon at isang araw bilang maximum bukod sa mul­tang P5,000 para sa bawat count.

Lumitaw sa rekord na Hunyo 30, 2004, dinoktor o dinaya umano ni Alpay ang disbursement vouchers at iba pang supporting documents upang palabasing tumanggap ang 19 beneficiary ng pondong may kabuuang halagang P285,230 na nagsisilbing bayad sa pagbili ng hand tractors at motor engines.

Ayon sa Ombudsman, ang mga sinasabing beneficiaries ay pawang itinanggi na may tinanggap silang anumang pondo.

“All in all, and considering further the paper trail of the disbursement vouchers and its attached documents, it is clear that it was only the accused, using his position as mayor, who could have caused the falsified entries in the disbursement vouchers. With proof of the accused’s authorship of the falsified entries, for these cases, the prosecution has proven all elements of the felony beyond reasonable doubt,” ayon sa Sandiganba­yan.