Ex-MMDA chairman, nalungkot sa MMFF 2016

NAGBIGAY na rin ng reaksyon ang da­ting MMDA Chairman Francis­ Tolentino, kaugnay sa walong pelikulang pinili ng Screening Committee ng Metro Manila Film Festival 2016.

Nakausap ang dating Chairman ng MMDA sa DZRH kahapon at sinabi nitong nalulungkot siya sa ngayong taong MMFF dahil pawang indie films ang pinili ng Screening Committee.

Sana man lang daw, may mga pinasok ding commercial films para mapanood ng mga bata.

Kinatatakutan ng da­ting Chairman Tolentino­ na hindi kumita ang 2016 MMFF dahil ang gusto­ raw ng mga taong panoorin ay mga pelikulang­ kilala nila ang mga ­artista ang bida.

Suportado niya ang indie films, pero sana, sinamahan nila ito ng ilang commercial films.

***

Nasilip na namin ang trailer ng mga pelikulang kalahok sa MMFF at naaliw kami sa docu na Sunday Beauty Queen. Parang ang linis ng pagkagawa dahil 12 years daw kasi nabuo ito ng direktor na si Babyruth Villarama.

Marami ang nagsa­sabing hindi ito dudumu­gin ng mga manonood dahil walang artistang kilala.

May dating sa amin ang trailer ng Kabisera, at mukhang ang galing dito ni Nora Aunor.

Masaya ang Ang ­Babae sa Septic Tank 2 ni Eugene Domingo, pero medyo nakukula­ngan kami.

Malalim ang Seklu­syon na mukhang ­nakakahilakbot.

Mas naaliw pa rin kami sa trailer ng mga pelikulang niligwak­ ng MMFF na ­Enteng Kabisote 10 and the Abangers, Super ­Parental Guardians, Mano Po 7: ­Chinoy at Mang Kepweng ­Returns.

Kuha nila ang interes­ ng mga tao para ­panoorin ang mga ­pelikulang ito.

***

Sa walong pelikulang kalahok sa MMFF 2016, ang pelikulang Oro lang ang wala pang lumabas na trailer.

Ito ‘yung pelikula ni Mercedes Cabral kasama sina Irma Adlawan at Joem Bascon.
Wala kaming interes sa pelikulang Oro.

Wala kaming balak na i-promote ito dahil sa kabastusan ni Mercedes kay Mother Lily.
Kahit ano pang sabihin ng babaeng ito, hindi siya kailangan sa ­movie industry.

Mahalaga pa rin at malaki ang respeto ng movie industry kay Mother Lily, hindi kay Mercedes.