Ex-MRT manager Vitangcol lusot sa graft

Dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya, pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong graft si dating Metro Rail Transit-3 (MRT-3) General Manager Al Vitangcol.

Si Vitangcol ay kinasuhan ng graft case kaugnay sa maanomalyang $1.5 milyong kontrata sa MRT-3 at pangingikil umano ng $30 milyon sa Czech Company na Inekon Group noong 2012.

Ang pagpapawalang-sala kay Vitangcol ay kasunod nang pagkatig ng Sandiganbayan 6th Division sa inihaing nitong demurrer to evidence.

Giniit ng graft court na nabigo ang prosekusyon na patunayang guilty beyond resonable doubt si Vitangcol dahil na rin sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Bukod sa nasabing kaso ay nahaharap pa sa ibang kaso si Vitangcol sa Sandiganyan na may kaugnayan sa paglabag nito sa Government Procurement Reform Act kaugnay naman sa pag-award nito sa PH Trams at CB and T joint venture ng maintenence contract ng MRT3 kung saan isa sa mga opisyal ng PH Trams ay tiyuhin ng kanyang asawa. (Tina
Mendoza)