Ex-NBA player lusot sa assault case

Inaresto noong Abril 18 si dating National Basketball Association player Darius Morris dahil sa pananakit sa isang 34 na taong gulang na babae.

Ayon sa nag-akusa sa ex-US major cage league journeyman, sinabunutan, pinagsusuntok at sinipa siya sa ulo noong ika-18 ng nasabhing buwan.

Pero sa muling pagsasalita ng biktima laban sa former cager na mga nagsuot ng jersey ng Los Angeles Lakers (2011-13), Philadelphia 76rs (2013), Los Angeles Clippers (2014), Memphis Grizzlies (2014) at Brooklyn Nets (2014-15), pinasinungalingan na niya ang mga unang akusasyon.

Nangangahulugan na malulusutan ng 29-year-old, 6-foot-4 point guard at 2011 NBA second round, 41st overall pick ng Lakers na si Morris ang nakaumang na assault case . (Sarah Jireh Asido)