Ex-NE congressman, 4 pa swak sa graft

Nagsampa ng kaso ang Office of the Ombudsman laban kay dating Nueva Ecija 3rd District Rep. at Governor Aurelio ‘Oyie’ Umali at apat na iba pa sa Sandiganbayan Second Division dahil umano sa graft at malversation of public fund kaugnay ng iregularidad sa agricultu­ral development program noong 2005.

Nahaharap si Umali sa apat na count ng paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at tatlong count ng paglabag sa Article 217 ng Revised Penal Code dahil umano sa paggamit nito ng higit sa isang mil­yon ng kanyang Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) sa hindi tunay na organisasayon.

Kabilang din sa nasampahan ng kaso sina Department of Agriculture (DA) Regional Executive Director Officer-in-Charge Renato Manantan, Accountant III Narcisa Maningding, Samahan ng mga Manininda ng Prutas sa Gabi Inc. (SMPGI) President Anita Tansipek at collector Corazon Bautista.

Nag-ugat umano ang kaso sa pagpili ni Umali sa SMPGI bilang project partner nito kahit wala umanong nangyaring public bidding, at kahit pa hindi ito accredited at kuwalipikado para isa­gawa ang proyekto.