Ex ng male personality ayaw paawat sa paninira

HINDI pala nagtatapos sa basta pagbabando lang ng mga baho ng isang kilalang male personality ang ginagawa ngayon ng dati niyang karelasyon.

Hanggang sa ibang bansa pala ay dumayo na ang kanyang ex, maparaan ang babae, nakuha nito ang contact number ng dating karelasyon ng female personality na karelasyon niya ngayon.

Kuwento ng aming source, “Wala talagang kakabog sa isang woman scorned. Gagawin niya ang lahat para makaganti lang. Imagine, pati ang ex nu’ng female personality na karelasyon ngayon ng ex niya, e, tinatawag-tawagan din niya?

“Kung anu-anong paninira ang sinasabi niya tungkol sa ex niya! Kesyo gagamitin lang daw ng ex niya ang girl, talagang sirang-sira ang image nu’ng male personality sa mga pinagsasasabi niya!” kuwento ng aming impormante.

Pero mukhang hindi magtatagumpay ang ex ng male personality sa kanyang bagong operasyon. Walang pakialam ang dating karelasyon ng aktres sa kanyang mga kuwento.

Patuloy ng aming source, “Hindi gumana ang bago niyang drama. Walang keber ‘yung ex ng female personality sa mga paninira niya, as in, deadma ‘yung guy!

“Maayos naman pala kasi ang paghihiwalay nu’ng female personality at nu’ng guy, in fact, everyday pa rin ang communication nila dahil nandu’n sa lalaki ang mga anak nila,” pagtatapos ng aming source.

Mala-anghel na aktres nagmaldita sa sales lady

KUWENTO ng aming impormante ay muling umariba ang kamalditahan ng isang kilalang female personality. Ang kuwento ay naganap sa isang sosyaling branded shop.

Natural, dahil kliyente siya ng shop ay tinututukan siya ng isang sales girl, anuman ang kailangan niya ay agarang maibibigay sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Hindi naman siya dinidikitan nu’ng sales girl, malayu-layo din naman sa kanya. Pero siyempre, dahil client siya, kailangan siyang i-assist ng girl, di ba?

“Ikot lang nang ikot ang female personality, sunod din naman ng sunod nang may distance ang sales lady. Maya-maya, e, nagmaldita ang aktres, as in, hindi maganda ang tono ng pananalita niya!

“Sabi niya sa sales girl, ‘Hindi ako shoplifter, ‘no! Sunod ka nang sunod, nakakairita, hindi ako magnanakaw ng items n’yo!’

“Natural, nagulantang sa kanya ang sales girl, e, ganu’n naman talaga ang ginagawa nila sa lahat ng mga clients na pumapasok sa shop nila.

“Hindi na sumagot ang girl, napaiyak na lang, sinabi niya sa manager nila ang ginawa ng female personality. Heto na.

“Biglang may nagustuhan ang girl sa shop, nag-alburoto naman siya! Bakit daw wala man lang nag-aasikaso sa kanya? Nakakaloka siya, ‘di ba naman?

“Pagkatapos niyang talakan ‘yung nag-aasikaso sa kanya, e, bigla siyang magrereklamo dahil wala man lang daw nag-a-assist sa kanya?

“Sayang, mala-anghel pa naman ang name niya, pero hindi raw bagay sa kanya ang pangalan niya, sabi ng mga nakakita sa kamalditahan niya!” mahabang kuwento ng aming impormante.

Bea walang pananagutan kay Miko

NAKAKAAWA naman si Bea Alonzo. Kahit sa kanyang pananahimik ay nakakaladkad pa rin ang kanyang pangalan. Binabanggit ngayon ang pangalan ni Bea dahil sa nakalulungkot na pagtalon ng dati niyang boyfriend na si Miko Palanca sa isang mall.

Matagal na panahon nang tapos ang kanilang relasyon, marami nang naging bahagi ng kanilang buhay magmula nu’n, kaya bakit kailangang idamay pa ang pangalan ng aktres sa pagpapakamatay ni Miko Palanca?

Sa isang post sa social media ay may nagbalik-tanaw sa lovelife ni Bea. Nabanggit du’n ang pangalan ng isang dati niyang karelasyon diumano na nagpakamatay rin sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sentido.

“Depression ang dahilan nu’n dahil ipinagpalit ni Bea ‘yung nagbaril kay Miko Palanca. Parang nakakakilabot naman. Nagpakamatay rin si Miko,” sabi sa post.

Walang pananagutan si Bea Alonzo sa naganap kay Miko. Kung magkaroon man ng pagkakahawig ang pagtatapos ng buhay ng aktor sa dati niyang karelasyon ay nagkataon lang ‘yun.

Patahimikin na lang natin ang buhay ni Bea kasabay ng panalangin para sa ikatatahimik ng kaluluwa ni Miko Palanca.