Ex ni DJ Karen, DAWIT sa drug bust

DJ ­Karen Bordador

NAPANOOD namin sa radio ­program nina ­Jobert Sucaldito at ­Ahwel Paz kamakalawa nang gabi na nagpa-interview via phone patch ang isang nagnga­ngalang si Chris Tan na ex-boyfriend ni DJ ­Karen Bordador.

Itong si Chris ang ­dating boyfriend ni ­Karen na ka-partner niya nang sumali sila sa reality show ni Judy Ann Santos na I Do.

Patapos na ang natu­rang show nang mag-backout sila dahil nagkaproblema sila hanggang natuluyan sa break-up.

Ang problema ni Chris, ang litrato niya ang naga­gamit sa ilang news report na si Emilio Lim daw ang boyfriend ni DJ Karen na nahulihan ng drugs kamakailan.

Hindi kasi gaanong kilala itong si Emilio Lim kaya kapag nari-report sa online news, ang litrato ni Chris ang nagagamit.

Kapag gino-goggle si Karen, ­kasama si Chris sa karamihang ­litratong lumalabas.

Ang akala ng ilan, siya si Emilio Lim.

Kaya nagsalita si Chris Tan sa media para linisin ang kanyang pangalan ­dahil apektado siya sa isyu ng magkasinta­hang Emilio Lim at Karen Bordador.

May ilang kilalang artista mula sa Kapamilya at Kapuso network na mga kaibigan ni Karen pero tahimik sila.

Umiiwas sila para hindi sila ­ma-identify sa nahuling radio jock. Ganu’n talaga!

Expected na ‘yan!