
Walang duda na the film fest hit is on! Kanya-kanyang paandar na ang mga artistang kasali sa magkakabugang pelikula ngayong Disyembre.
Ang Queen Bayot Vice Ganda, sa It’s Showtime kamakailan, biniro sina Karylle at Anne Curtis kasi nga, ang mga nakalipas na ‘di na maaaring balikan nina Mrs.
Yael Yuzon at Mrs. Erwan Heussaff eh mga leading men niya sa Fantastica: the Princesses, the Prince and the Perya.
Ang hirit ni Anne, “In fairness, ang taray ng mga leading men mo!”
Ang reaksyon ni Ganda, “First time, nagsama si Dingdong at si Richard Gutierrez at ako lang pala ang pag-aagawan nila,” at ang sinunod nitong punchline, “Nagpapasalamat ako sa mga ex nina Karylle at Anne Curtis na sinamahan ako sa pelikulang ito.”
As expected, tawanan ang mga kasama nila sa show.
Ang kaabang-abang, ano nga talaga ang mangyayari kung sino kina Dantes at Gutierrez ang magiging panauhin sa noontime variety show para mag-imbita sa mga manonood?
Ang cute sigurong tingnan na magkasama sina Dong at Chard sa isang stage at mas bongga, kung sina Karylle at Anne ang mag-i-interview, hindi ba naman?
Super moved on na naman ang apat, masasaya na with their respective wives and husbands kaya alang-alang sa propesyonalismo at pagmamahal kay Jose Marie, maliit na bagay lang ‘yang on-air na chikahan, kung saka-sakali.
Ang mas panalong malaman, eh ang off air encounter ng mga mag-ex.
Dahil nga hindi puwedeng maiwasan ang ganitong tagpo, nawa’y hindi biglang magkasakit sina Mrs. Yuzon at Heusaff pag dumating ang panahong nasa It’s Showtime na nga ang mabunying sina Jose Sixto at Richard. Walang duda na moment in pop culture story iyun, hindi ba naman.
Shido mainit ang laplapan sa kapwa lalaki
Walang duda na pag ipinalabas na ang Rainbow Sunset, marami ang hahanga at magnanasa kay Shido Roxas. Siya ang gumaganap na Ramon, na pag tumanda na ay si Eddie Garcia.
Ang binatang Tony Mabesa naman na Fredo ang ngalan, si Ross Pesigan ang magbibigay buhay.
Sa pangmalakasang family drama, naging it’s complicated ang lahat kasi nga, si Ramon, gustong makasama na ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Fredo dahil nga pa- “sunset” na ang phase ng buhay nito.
Cute ang kuwento niya na may mga ilang Filipino word na ‘di niya agad maunawaan, “Yung eksena ko sa bukid, ang unang instruction sa akin ni direk Joel, maglakad ako sa pilapil. I did not get it so I asked him, direk, what is pilapil ba? Hahahaha!”
Hubad baro si Roxas sa bukid scene kung saan may kasama siyang kalabaw, “Mabait naman ‘yung kalabaw. Kaso, true to his nature, biglang umiihi, o kaya bigla siyag mag-poop, tapos dapat hindi ako affected sa mga ginagawa niya bilang animal, so diretso lang.”
Paano niya maipapaliwanag ang chemistry nila ni Ross Pesigan? “Well, alam mo naman ang chemistry, it’s either you have it or you don’t. Siguro why we have it, we liked our roles and we were committed to give our best.”
Best in kissing scene silang dalawa, huh! “Oo, laplapan talaga ‘yun, torrid. Hahahaha! Nasa tamang context naman ‘yun kasi nga nagmamahalan kami. Kami naman ni Ross, ginawa namin what we were tasked to do saka alam naman namin na the kiss was an important component of the scene.”
Pagtatapos ni Shido, “Marami pang magagandang eksena sa Rainbow Sunset. I believe na for those who will watch it, mas magiging broader ang pagtingin nila sa lahat ng mga relasyon, like the relationship of husband and wives, parents and their relationship to their young kids and when they are all grown up, yung mga young ones and their relationship with their elders and siyempre, yung different kind of love that Ramon and Fredo shared.
Lahat ng relasyon, importante lalo na if there is love that binds and holds it together.”
First Christmas parties ko ang mga payanig nina PAO Chief Atty. Perfida Acosta at ang sa BG International Productions, na ang reyna, siyempre pa ay si Ms. Baby F. Go.
Kay Atty. Acosta at sa laban niya para sa mga pamilyang ang mga mahal sa buhay ay nasawi dahil sa Dengvaxia vaccine, nawa’y ang katarungan na inyong inilalaban ay inyong makamit.
Very presidential looking si Atty. Persida in her all red outfit na alam mong hindi lang color of Christmas para sa kanya, kundi kulay of a warrior who is giving a great fight.
Si Ms. Baby Go naman, naka-all violet or what is a plum hued evening dress na ibinalitang Hilakbot na ang bagong titulo ng Hipnotismo ni Direk Joey Romero at malapit na silang mag-shooting sa Dumaguete.
Sa mga powerful women na sina Atty. Persida Acosta at Ms. Baby Go, mabuhay kayo, mahusay kayo! May you continue to be a blessing to all of us.