Ex-official ng DAR sa Davao nilikida

Sinisiyasat ng pulisya ng Tagum ang insidente ng pamamaril at pagpatay sa isang dating opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Davao del Norte.

Base sa ulat, naglalakad lamang ang biktimang si Nicasio Aladao Lemente, 68, ng Maximo Village, Union St., Brgy. Mankilam, Tagum City, nang sundan ng riding-in-tandem at saka pinagbabaril.

Ayon kay Insp. Anjanette Tirador, tagapagsalita ng Tagum City Police, batay sa pahayag ng saksi, nakaganti pa ng putok si Lemente bago ito namatay at isa sa mga suspek ang tinamaan.

Sa kasalukuyan ay binabantayan ng mga awtori dad ang mga ospital sa lalawigan kung saan posibleng dinala ang sugatang mga suspek.