Ikinanta ng isang hired killer na hawak ngayon ng Bulacan PNP at siyang responsable sa pagpatay sa dating vice mayor ng bayan ng Pandi, Bulacan kamakailan at nadakip noong Huwebes habang naglalaro ng E-Games online casino, ang dating opisyal ng bayan ng San Ildefonso na siyang nag-utos at nagbayad umano sa kanya para patayin ang tatlong notorious drug pusher.
Sa report na nakalap sa tanggapan ni P/Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., Bulacan police director, nahaharap ngayon sa kasong multiple murder, bukod pa sa dalawang kaso ng murder ang suspek na si Ariel Lorenzana, 35, may-asawa, ng Barangay Pinaod, San Ildefonso at kilabot na hired killer na siyang pumaslang sa isang barangay tanod, dating vice mayor at tatlong shabu pusher.
Pansamantalang hindi pinangalanan ang nasabing opisyal ngunit sumasailalim na ito sa masusing imbestigasyon ng Bulacan PNP.