Ex-PBA import hibang kay Maine Mendoza

Malakas pa rin ang ­amats ng dating Phi­lippine Basketball ­Association import na si Chris McCullough sa sikat na ­Kapuso actress na si Maine Mendoza.

Nitong kaarawan ni Maine, hindi nakalimot ang posibleng maging sunod na Gilas Pilipinas naturalized player at former San Miguel Beer reinforcement na batiin ang magandang aktres, na may heart sign pa sa dulo.

Dati nang pinahayag ni McCullough na crush niya si Mendoza, at sinabi pa na kanyang hinahanap ang dalaga.

Ang 25-anyos, may taas na 6’9” na Amerikano na naglaro na rin dati sa National Basketball Association (NBA) ang namuno sa Beermen sa pagkakampeon sa 44th PBA Commissioner’s Cup 2019.

Pero kahit naman dalaga pa, may dyowa na si Maine, ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde. (Ray Mark Patriarca)