Ex-PBA player Mendiola malubha ang sakit

Kailangan ma-intubate ng dating Philippine Basketball Association (PBA) player na si Junel Mendiola dahil sa sakit na tumama sa kanya.

Ayon sa Facebook post ng sports columnist na si Malou Aquino-Manuel, nilagay sa intensive care unit (ICU) ang magku-46-anyos sa Hunyo 13 at may taas na 6-1 na dating basketbolista sa Cardinal Santos Hospital dahil sa hirap na paghinga.

Nilinaw ni Aquino-Mnuel na hindi COVID-19 ang sakit ng 2002 third round, 20th overall draft pick ng Purefoods TJ Hotdogs, nakitaan lang ng malaking mass sa kanyang baga na hindi na pwedeng matanggal dahil sa laki nito.

Inoperahan na noong May 29 ang produkto ng PSBA si Mendiola sa kanya ring baga.

Nanawagan ang pamilya ng dating Purefoods Tender Juicy Hotdogs player sa pamunuan ng PBA at mga dating teammate na matulungan si Mendiola, na naglaro sa liga noong 2002. (Raymark Patriarca)