Arestado ang dating PBA star na si Paul “Bong” Alvarez sa paggamit ng ilegal na droga sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Ayon sa District Special Operations Unit ng Quezon City Police District si Alvarez ay nahuli nitong Hunyo 3 ng gabi sa pot session sa Friend Estima Barber Shop sa Anonas Extension cor. V. Luna Street sa Brgy. Sikatuna Village, Quezon City.
Kasamang dinampot si Alvarez ng dalawa pang lalaki na kinilalang sina Mohammad Dana at Ray Allan Cruz.
Sinasabing si Alvarez ay dapat na sisilbihan ng mga awtoridad ng isang warrant of arrest kaugnay sa kasong slight physical injuries pero nabulaga nang maabutan ang grupo ni ex-PBA star na nagpa-pot session.