Ex-PNP Gen. pinaaaresto ng Sandiganbayan

Naglabas ng kautusan ang Sandiganbayan sa aga­rang pag-aresto kay retired Philippine National Police (PNP) Chief Supt. Dionisio B. Coloma Jr., at ikulong sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga­ City, Zamboanga del Sur na unang nasentensyahan sa kasong katiwalian.

Sa resolusyong inilabas ng Third Division ng Sandiganbayan, ibinasura nina Presiding Justice Amparo M. Cabotaje-Tang, Associate Justices Samuel R. Martires at Sarah Jane T. Fernandez ang apela ni Coloma na huwag maglabas ng arrest warrant dahil susuko na ito sa governor ng Sultan Kudarat.

“The Court finds the accused’s motion bereft of merit.­ Once the judgment of conviction becomes final and exe­cutory, the trial court has the ministerial duty to immediately execute the penalty of imprisonment and or pecuniary penalty (fine),” ayon sa resolusyon ng anti-graft court.

Noong 2012 nasentensyahan ng anim na taong pagkakabilanggo si Coloma sa kasong katiwalian matapos bayaran nang buo ang kontraktor ng barracks sa Bongao, Tawi-tawi para sa Philippine Public Safety College noong 2001.