Patay ang isang dating pulis makaraang pagba­barilin ng riding-in-tandem sa Maharlika Highway, Barangay San Andres, Alaminos, Laguna kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Isidro Manilay, 70, at retiradong pulis.

Batay sa imbestigasyon ng Alaminos PNP ­(Philippine National Police), nakasakay sa kanilang Mitsubishi Montero ang biktima kasama ang kanyang maybahay nang paghinto nila sa tapat ng kanilang bahay ay ratratin sila ng riding-in-tandem.

Nagtamo ang biktima ng dalawang tama sa dibdib samantalang sugatan din sa kamay at braso ang misis nito na si Teopila Manilay.

Agad isinugod sa ospital ang dalawa subalit ideneklarang dead-on-arrival si Isidro.

Tumakas naman ang dalawang suspek ­matapos ang pamamaril.