Kritikal ang isang dating pulis matapos na ito ay tambangan sa Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Ronnie Villanueva Remolona, 56, retired police, tubong Sampaloc, Quezon at kasalukuyang residente ng Barangay Masin Norte, Candelaria.
Batay sa report, bandang alas-3:45 ng hapon habang mabagal na nagmamaneho ng kanyang Mitsubishi Pajero ang biktima nang harangin at pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek at nagtamo ng tama ng bala sa ulo at balikat.
Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.
Agad na isinugod sa ospital ang biktimang si Remolona na ngayon ay nasa malubhang kalagayan.