Ex-police ng Quezon todas sa tandem

Gun

Patay ang isang retiradong pulis matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect sa Barangay Talolong, Lopez, Quezon kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Retired SPO4 ­Ernesto Ganzagan, 59-anyos.

Batay sa report ng Lopez police, dakong alas-9:20 ng umaga habang pauwi na sa kanilang ­bahay ang biktima sakay ng bisikleta nang lapitan ito at barilin ng isa sa mga suspek.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa likurang ­bahagi ng kanyang ulo na agad nitong ikinamatay.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam ang motibo at kung sino ang suspek sa krimen.