Patay ang isang ex-pulis makaraang barilin sa isang kasalan kamakalawa sa Cataingan, Masbate.
Kinilala ang biktima na si dating PO1 Michael Sauro na agad na nasawi matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente pasado alas-11:00 ng umaga sa wedding reception sa Brgy. Nadawisan ng nasabing bayan kung saan sponsor ang biktima.
Napagalaman na isa sa tatlong suspek na kasalo sa lamesa ang tumayo sabay labas ng caliber .45 baril at binaril ang biktima.