Arestado ang isang AWOL na pulis matapos tangkaing takasan ang inilatag na checkpoint sa Barangay San Rafael 4, Noveleta, Cavite kamakalawa.
Nabatid na dakong alas-6:30 ng gabi nang mapansin ang mabilis na pagpapatakbo ng suspek na si dating PO1 Anthony Rodriguez y Ilustre, 35, sa minamaneho nitong Honda MC na may plakang 4268 QD.
Nang mapahinto ng mga awtoridad ang suspek ay nagpakilala ito na dati rin siyang pulis ngunit napansin ng mga awtoridad ang nakaumbok na bagay sa baywang nito, kaya’t inatasan na itaas ang kanyang damit at doon tumambad ang nakasukbit nitong cal. .38.
Nakuhanan rin ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165.