Nadakip ng mga awtoridad ang dating­ branch manager ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) na si Maya Dequito sa Makati kahapon ng hapon.

Pasado alas-singko ng hapon nang madakip si Dequito ng mga tauhan ng Warrant Section ng Makati City Police sa Rockwell ng naturang lungsod sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Makati City Regional Trial Court (RTC).

Dinakip si ­Dequito dahil sa kinakaharap nitong kasong Perjury, subalit hindi naman idinetalye kung sino ang nagsampa ng kaso laban dito.

Ang naturang branch manager ay nasangkot umano hinggil sa ­money laundering na may kaugnayan sa pag-hack ng multi-milyong dolyar mula sa Bangladesh Central Bank.

Kung saan idini­posit ang pera sa nasabing bangko at si Dequito ang branch manager noon.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy na nakakulong si Dequito sa nasabing himpilan ng pulisya.

2 Responses