Marami ang uma­angkin na sila ang nagsulong sa pagpapatibay ng Universal Healthcare (UHC) Bill, pero may mas matindi pa dito dahil isang hindi miyembro ng Kongreso ang umaangkin sa panukala.

Ang kuwento, grabe raw sa pagmamalaki ang taong ito na siya ang primary author ng panukala noong siya pa ay miyembro ng Kongreso.

Gayunpaman, sinopla na ito ng mga dati niyang kasamahang mam­babatas dahil wala raw ni isang bahagi ng kanyang panukala ang in-adapt o kinuha para sa inaprobahang panukalang batas.

Tinawanan pa nga ito ng ilang mambabatas dahil halata naman daw na copy paste ang kanyang panukala sa batas ng ibang bansa.

Marami tuloy ang nagugulat sa mga aksyon ngayon ng ating bida na nauuna pang maglabas ng press release hinggil sa UHC para maangkin ang kredito sa batas.

Ang siste nga lamang, mistulang hindi ito nakakapukaw ng atensyon ng media dahil kilala naman kung sino-sino ang dapat na bigyan ng pagkilala.

Clue: Kilalang-kilala ang ating bida at sinasabing nakararanas na ng HIV o hair is vanishing.