Tuluyang nang sinampahan ng patung-patong na kasong katiwalian at paglustay ng kaban si dating La Union District 2 Rep. Thomas Dumpit Jr., dahil sa ‘ghost’ project na ginastusan ng P43.56 million mula sa kanyang Priority Development Assistance Funds (PDAF) o pork barrel fund.
Agad namang nai-raffle sa Sandiganbayan Seventh Division ang kaso ni Dumpit at 21 iba pa na kinabibilangan ng dating political affairs assistant ni Dumpit na si Elsie Dinfuntorum Walican at Godofredo B. Roque ng Kabuhayan at Kalusugan Alay sa Masa Foundation, Inc. (KKAMFI).
Sina Dumpit at Roque ay may tig-18 counts ng kasong graft and corruption at malversation of public funds.
Ang KKAMFI ay isang non-government organization (NGO) na karibal umano ni Janet Lim Napoles sa pork barrel ng mga mambabatas lalo na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
mababale wala rin yan, eh bakit si Enrile?