Ex-solon ng Bulacan kinasuhan sa PDAF scam

Kinakitaan ng probable case ng Office of the Ombudsman para kasuhan ng 3 bilang ng kasong graft si dating Bulacan Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado at iba pang opisyal ng Region 3 DSWD dahil sa pagkakasangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Maliban kay Sy-Alvarado sabit din sa kaso ang mga opisyal ng DSWD Region 3 na sina Minda Brigoli, Adelina Apostol, Mely Pangilinan, Maria Piedra at General Manager ng Cooperative Rural Bank of Bulacan na si Nestor Custodio na naging reciepient ng 2007 PDAF ng mambabatas.

Depensa ni Sy-Alvarado mayroong good faith nang ipatupad nya ang programa na ang tanging intensyon ay magbigay ng financial assistance sa kanyang mga constituents subalit hindi naman ito kinatigan ng Ombudsman.