Isang retiradong US soldier ang inaresto nang salpukin ng kanyang minamanehong pick-up ang isang tricycle na nagresulta sa pagkasawi ng isang pasahero at pagkasugat ng apat na iba pa sa Ormoc City kahapon ng umaga.
Naghihimas na ngayon ng rehas ang suspek na si retired American soldier Matthew del Robert, 46, matapos dakpin pagkatapos ng aksidente.
Napag-alaman na minamaneho ni Del Robert ang kanyang pick-up sa National Highway ng Barangay Ipil nang mag-overtake ito pero nawalan ng kontrol kaya sumalpok sa tricycle bandang alas-sais ng umaga.
Dahil sa lakas ng banggaan ay nasawi bunga ng pagkakabagok ng ulo matapos tumilapon sa sinasakyang tricycle ang isa sa mga sakay ng tricycle na si Sitay Villaluz, 79, habang sugatan ang apat na iba pa.