Magiging aktibo ang Philippine Olympic Committee (POC) executive board sa preparasyon sa 30th Southeast Asian Games kasunod ng pagbaba ni Ricky Vargas bilang POC president.
Ayon kay POC board member Atty. Clint Aranas, ang Olympic council ang franchise-holder ng SEA Games at iba pang international tournaments bilang bigay na mandato ng SEA Games Federation Council, Olympic Council of Asia at ng International Olympic Committee.
Dahil ditto, ang POC ang nararapat na manguna s apaghahanda sa SEA Games habang ang organizing body naman na pinamumunuan ni Alan Peter Cayetano ay dapat mag-function lamang na ad hoc committee base naman sa rules and regulations ng POC.
“We will take a more active role,” sabi ni Aranas, archery president at general manager din ng Government Service Insurance System (GSIS).
(Fergus Josue, Jr.)