Mahilig mag-post ng kanyang mga hubad na larawan ang Kapamilya actor na si Enzo Pineda sa kanyang social media account.
Minsan, hindi maiiwasang may mga basher siya at naaakusahang exhibitionist.
Gayunpaman, ayon kay Enzo, wala siyang dapat ikahiya sa ginagawa niyang pagbibilad ng katawan at pagpapakita nito sa publiko.
“I’m proud of what I have at kung anuman ang bigay ng Diyos. I’m very comfortable with myself, with my skin. I’ve been part of (pangalan ng isang produkto) for the longest time. I’ve been doing underwear shoots, so parang comfortable na ako with my body. I’m comfortable with myself, so I don’t mind flaunting my body,” paliwanag niya.
May non-showbiz girlfriend siya na nagngangalang Claudine from the corporate world at bukod sa trabaho, ito ang nakaka-inspire sa kanya ngayon.
Nalulungkot naman si Enzo sa relasyon nina Winwyn at Mark (Herras) na nauwi sa hiwalayan.
Ipinagtapat din niyang bilang close friend ni Mark at nakasama niya sa Starstruck, isa siya sa mga unang nakaalam sa hiwalayan ng dalawa.
Sa kaso naman ni Mark, patuloy daw ang pagbibigay niya ng comfort dito at wish niya na maka-move ito agad.
Si Enzo ang leading man ni Winwyn Marquez sa “Time and Again” na palabas na ngayon. Mula ito sa Regal Entertainment.