
Naging emosyonal ang miyembro ng South Korean girl group na EXID nang mag-guest ang mga ito sa episode ng JTBC’s “Ask Us Anything.” Inalala nila ang struggling years nila lalo na nang mag-debut sila noong 2012, pero hindi sila agad naging popular.
Tumagal pa ng dalawang taon bago sila napansin nang ilunsad nila ang single nilang “Up and Down.” Nag-number one ito sa Gaon Singles Chart, four months after na inilabas nila, kumpara sa debut single nilang “Whoz That Girl.”
Ngayon, isa ang EXID sa masasabing kilalang girl group sa South Korea na kinabibilangan ng limang miyembro na sina Solji, LE, Hani, Hyelin at Jeonghwa.
Sa naturang programa nga ay ibinahagi ni Hyelin kung paano dumating sila sa puntong wala halos silang pera at sa loob ng isang araw, ramen lang daw ang kinakain nila. Nag-part time job din daw siya lingid sa kaalaman ng ibang ka-miyembro niya.
Ayon kay Hyelin, “We gained a lot of popularity through ‘Up & Down.’”
“It was a time when we talked about what we’ll do if ‘Up & Down’ doesn’t do well. Two years leading up to when ‘Up & Down’ came out, we didn’t have any schedules.”
Sabi pa niya, “At the time, I ate meals at the student cafeteria, but my members would eat ramen. From what I remember, they ate ramen three meals a day.”
Dugtong naman ng isa sa miyembro na si Hani, “I think we’ve tried every type of ramen and we didn’t have money.”
Ito raw ang naging dahilan kung bakit naisipan ni Hyelin na mag-part time job. Hindi na nabanggit kung anong klaseng trabaho ang pinasukan niya.
“There’s a lot of cheap food in front of the school, so I’d buy it and bring it to the members. But that was burdensome for me, so I worked a part-time job without the members knowing about it.”
Walang ideya ang apat na miyembro sa ginawang ito ni Hyelin. Dahil dito, tinanong sila ng isa sa regular cast ng Ask Us Anything na si Kang Ho Dong kung kailan lang daw nadiskubre ng iba ang sakripisyong ito ni Hyelin para lang makakain sila.
Si Hani ang sumagot na pagkatapos lang daw na mag-hit ang Up and Down single nila nalaman.
“She told us way later, after we did well. She suddenly talked about it on the radio. I felt so sorry. I didn’t know and ate so deliciously. We tried not to talk about our own hardships back then.”
Inspiring naman ang ibinigay na komento sa kanila ni Ho Dong na sinasabing pagkatapos ng mga hirap na pinagdaanan nila, heto’t tagumpay na ang inaani nila. Ayon kay Ho Dong, “But because you overcame those kinds of difficulties, you became stronger. I suddenly thought of an inspiring quote, ‘There isn’t a night when morning doesn’t come.’”
Sa totoo lang, isa rin talaga sa katangian ng mga South Korean celebrities ay ang tiyaga at determinasyon.