Exo Kai, Blackpink Jennie nahuling nagdi-date

tonite-annyeong-rose-garciaMay pasabog ang Dispatch sa pagpasok ng Bagong Taon. Ang Dispatch ang isa sa news outlet sa South Korea na kilala sa pagi-expose ng ilang news at scandal ng mga celebrities.

Madalas kapag New Year ay meron silang nailalabas na dating scandal, with mat­ching pictures na kuha ng mga Dispatch paparazzi bilang patunay na nakikita ngang nagdi-date ang mga celebrities.

At ngayong Bagong Taon, dalawang high profile celebrities sa K-pop world ang pasabog ng Dispatch na inilabas din ng soompi.com at iba pang news outlets.

Ang isa sa miyembro ng sikat na South Korean boy group na EXO na si Kai at sikat na South Korean girl group naman na BLACKPINK na si Jennie ang balitang “dating” ngayon.

Ang mga larawan na inilabas ng Dispatch, nahuli raw na nagdi-date ang dalawa sa isang park ng late night na noong November 25. Base sa report, sinundo raw ni Kai si Jennie sa dorm nito at nag-date sa park na magka-holding hands. Bukod dito, nagkukuhanan sila ng picture.
Bukod pa rito, nagkasama rin daw ang dalawa noong nasa Paris sila. Parehong nag-attend ng fashion week. Si Kai ay sa Gucci fashion show habang si Jennie naman sa Chanel. Dahil parehong nasa Paris, nagkaroon daw ng pagkakataon na magkita ang dalawa.

Pagkagaling din daw ni Kai sa Hawaii, binisita rin daw nito si Jennie noong December 2. Ang mga impormasyon na ito ay base sa paparazzi ng Dispatch na talagang sinundan ang dalawa.

So far, wala pang statement mula sa YG Entertainment (agency ni Jennie) pero ang kinabibilangan ni Kai na SM Entertainment ay nagdeklarang “Kai and Jennie have become fond of each other.”

Mixed reactions ang mga nababasa naming comment. Dahil parehong high profile idols kaya marami ang concerns sa dalawa. Kabilang na ang alam daw nilang “no-dating rules” policy ng YG Entertainment.

Pero may mga fan din naman na naiintindihan sina Kai at Jennie na kung happy raw ang mga ito, let them be.(Rose Garcia)