Mas makabubuti ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar sa mga residente ng Mindanao at maging ng mga turista sakaling tuluyang ipairal ang extended Martial Law sa rehiyon.
Ito, ayon kay Andanar ay dahil mas mababantayan pa sila ng mga awtoridad laban sa mga terorista at iba pang criminal elements, taliwas sa pinalalabas ng mga kritiko na mas magdudulot ng kaguluhan.
Binigyang-diin pa ng PCO secretary na kapag nagpatuloy ang Martial Law ay magiging normal pa ang pamumuhay ng mga residente sa Mindanao partikular sa sektor ng negosyo dahil sa mas mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad habang tinutugis ang mga terorista.
Kaugnay nito ay pinawi ng Malacañang ang pangamba ng mga kritiko na makakasama sa Mindanao ang hirit na extension ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Martial law sa buong rehiyon.