Pinigil muna ng Commission on Elections (Comelec) ang planong pagbubukas ng voter’s registration bukas, Oktubre 3, para sa 2017 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sinabi ni Comelec­ Spokesperson James ­Jimenez, ito ay dahil hindi pa tuluyang naipapasa ang batas na nagpapa­liban sa 2016 BSKE.

“We can only resume registration after the law postponing the Barangay and SK elections have been passed,” ayon kay Jimenez.

Inaasahan naman ni Jimenez na makapaglalabas na sila ng opisyal na resolusyon sa resumption ng voter’s registration sa loob ng isa hanggang dala­wang linggo.

Matatandaan na inihayag­ ng Comelec na plano nilang ipagpatuloy ang voter’s ­registration bukas, Oktubre 3, na magtatagal hanggang sa Abril 29, 2017.

Ang panibagong voter’s­ registration ay isasagawa ng Comelec alinsunod sa Republic Act 8189 o ang Voter’s Registration Act of 1996, matapos na ipasa ng mababa at mataas na kapulungan ng kongreso ang ­panukalang nagpapaliban ng 2016 BSKE, na nakatakda sanang idaos sa Oktubre 31.