Aminado ang Commission on Audit (COA) na mabagal ang kanilang ginagawang pag-audit sa mga ahensya ng gobyerno dahil na rin sa kakulangan ng empleyado na aabot sa halos 6,000.
Sa budget delibaration sa Kamara sinabi ni COA Chairman Michael Aguinaldo na malaki ang problema ng COA sa workforce, bagama’t may mga na-hire na bagong empleyado ay mabilis din ang pagreretiro ng mga empleyado kaya nawawala din ang mga senior employees na kabisado na ang trabaho sa komisyon.
Paliwanag ni Aguinaldo mula taong 2000 ay hindi na nakapag-hire ang COA kaya lumaki ang kakulangan nito sa mga empleyado at taong 2010 na lamang nagsimulang kumuha ng empleyado.