Extra income

Usapang Ofw ni Chingbee

Hit and miss ang financial advice sa OFWs ng isang bank-sponsored website, lalo na iyong part na humihikayat sa OFWs to go into recruitment business.

Kesyo kung marami na raw contacts ang isang OFW ay makakatulong ito sa pagtatayo ng isang recruitment agency as long as ipaparehistro ito sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Are you kidding me? Obvious na hindi alam ng adviser ang kanyang sinasabi dahil napakalaki ng capital na kailangan sa pagtatayo ng isang recruitment agency.

Money pit

Sa cash bond pa lang na at least P2 million ay malinaw na para sa isang korporasyon o ilang well-heeled partners ang recruitment business dahil ito ay isang money pit.

Bukod sa napakalaki ng overhead sa day-to-day running ng isang placement agency ay ­hindi na rin kalakihan ang kita sa bawat OFW na ­nare-recruit.

Cutthroat competition ang recruitment business kung kaya nagpapababaan talaga ng singil sa principal at sa nire-recruit ang mga recruitment agencies if they hope na maka-recruit ng marami.

Informal services

Anyway, commendable naman ang recommendation na pag-o-offer ng informal services­ through social media promotion o web of mouth.

For example, kung photography ang hobby ng isang OFW ay pwede siya mag-offer ng photography services lalo pa’t digital na ang images­ ngayon at hindi na halos nangangailangan ng photo lab facility o know-how.

Konting editing skills lang ang required at voila! pwede nang mag-offer ng photo service kahit entry level lang ang gamit na camera at lighting.

‘Catering’

Speaking of informal services, we cannot help but touch on the “catering” services ng ilang kababayan natin sa abroad na hindi naman pagkain ang ibinebenta.

Iyan ‘yung oldest profession in the world na ginagawang sideline ng ilang OFWs na either hindi mapagkasya ang kita o kaya ay gusto ng extra spending money.

More on this next week. Meantime, follow me on Twitter @beeslist or call 833-0785 and email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and queries.