EXTREME SPORT: THRILL RIDING

Inspirasyon si Daddy

Nakahiligan ko ang larong BMX (bicycle motocross) freestyle na nagsimula noong 1986 matapos akong ma-inspire sa isang movie noong dekada `80 na may titulong “Rad”, tungkol sa isang newspaper boy na pangarap magkampeon sa BMX racing.

Nagkataon naman na ‘yung mga kaibigan ko sa kabilang kalye namin sa isang lugar sa Quezon City ay nagsisimula na pala maglaro ng BMX kaya mas lalo akong naengganyo.

So, after a week, bumili na ako ng BMX bike at nagsimulang makisama sa mga tropa araw-araw.

After ng klase sa high school nagpapraktis kami ng iba’t ibang tricks at nag-start na rin akong magrampa-rampa hanggang sa sumasali na ako sa mga kompetisyon sa iba’t ibang lugar. Pati sa BMX racing sumali na rin kami.

BMXers 80
BMXers 80

Gustong makilala bilang athlete

Nakahiligan ko ang BMX freestyle dahil nga gusto ko makilala bilang isang athlete, ‘di man sa basketball o anumang sports eh sa larangan ng bike extreme games.

Isa pang dahilan sigu­ro namana ko rin ang ganitong pagkahilig sa BMX freestyle sa daddy ko. Motocross rider naman siya at miyembro ng Philippine Team na lumalaban sa iba’t ibang bansa. Ang kaibahan nga lang namin, siya motor at BMX ako.

Matapos ang ilang taon, tumigil na ako sa paglalaro noong 1989 at nang mauso ang Facebook ay hinanap ko ‘yung mga rider at teammate ko du­ring `80s.

bmx-003Nabuo ang BMXers 80

Nagkataon naman na nag-start na pala sila bumuo ng grupo at tinawag namin ito na BMXers 80 na ang lahat ng miyembro ay ‘yung mga dating magkakalaban at magkakasamang rider noong dekada `80.

Since nasa dugo na namin ang bike stunts nag-start kami uli pero this time ang gamit namin ay mountain bike dirt jump bike.

Siyempre hindi mawawala ang BMX na medyo may mga pagbabago nga lang sa piyesa so nagsimula na nga kami uli maglaro.

bmx-002Sumabak na sa laban

Nag-ensayo kami at sumali sa mga race game this time we call the 4x race and dirt jumping na sa edad naming 40 pataas ay nakakapaglaro pa kami at kaya pang makipagsabayan sa mga bagong sibol na mga rider.

Kung saan-saan kami dumarayo para magpractice. Kabilang sa mga lugar kung saan kami karaniwang naglalaro ay sa Pasig Dirt Krew, King Point, Marikina trail, at Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna.