Eya pinaamo ang Lady Tamaraws

Eya pinaamo ang Lady Tamaraws

Sa likod ng 16 point at 14 dig ni Ejiya ‘Eya’ Laure, pinaamo ng University of Santo Tomas Golden Tigresses ang Far Eastern University Lady Tamaraws, 25-20, 25-16, 25-18, sa UAAP Season 82 Women’s Indoor Volleyball Tournament 2020 first round eliminations kagabi sa sa SM Mall of Asia Arena.

Dominado ng España-based squad ang mga balibolista ng Morayta sa pagbalikwas mula sa sorry five set loss kontra National University Lady Bulldogs noong Miyerkoles.

“Nakabawi kami today,” abot-taingang ngiti ni Emilio ‘Kungfu’ Reyes Jr.

Dagdag pa ng USTe coach: “Maganda service namin, although may mga lapse pa rin kami na hindi maiiwasan pero nai-correct naman namin. So, iyon ang naging team effort iyong nilaro namin today. So, ayun nakuha namin in straight sets.”

Katuwang rin sa panalo ng mga Tomasina ang ate ni Eya na si Enajie ‘EJ’ Laure na may 12 point, at si Caitlin Viray na umiskor ng siyam. (JAT)