Eya, Sisi iba pa taartits na rin

NAGMISTULANG mga Avengers na nag-assemble ang mga sikat na local volleyball player na sina Ara Galang, Maddie Madayag, Eya Laure, Sisi Rondina, Michelle Morente at Heather Guino-o sa pagsasagawa ng dance video teaser para sa nalalapit nilang variety show.

Sa official Twitter page ng ‘Volleyball Community Gives Back’ ay pinasilip ng nasabing mga volleybelle ang nakatakda nilang palabas sa darating na Hunyo 5 at 6.

Bilang patikim ay nagpasabog ang anim na kadalagahan ng teaser video kung saan makikitang sumasayaw ang mga ito sa tugtog na ‘Fight Song’, isang kanta na bida ngayon para magkaisa at magtulungan laban sa pandemya.

“Be one with the entire volleyball community and join us on June 5th & 6th on Double exclamation markServe As OneDouble exclamation mark a variety show put together to give back to our beloved court staff🏽🏽🏽 #CareForAll #ServeAsOne,” caption ng grupo.

Layunin ng nasabing pakulo na ibalik, tulungan at pasayahin ang mga volleyball staff na walang kita o sahod ngayong nananalasa sa bansa ang COVID-19 crisis.

Bukod sa mga fan na excited na sa nalalapit na palabas ay nakaabang na rin ang iba pang balibolista gaya nina volleyball phenom Alyssa Valdez at F2 Logistics captain Aby Marano.

Sey ni @AlyssaValdez2, madaming good vibes to!!”

Hirit naman ni @Abymaran, “sobrang excited na ako swishhh.” (Aivan Episcope)