Mga laro ngayon (Batangas City Coliseum)
2:00 p.m. –- F2 Logistics vs. Petron
4:00 p.m. –- RC Cola-Army vs. Generika
6:00 p.m. –- Standard Insurance-Navy vs. Foton
Kahit nasa tuktok ng team standings ang RC Cola-Army ay patuloy pa rin silang magiging mabalasik sa laro para hindi malaglag sa kinalalagyan.
“Other teams are now preparing for us,” saad ni RC Cola-Army coach Kungfu Reyes. “We can’t afford to be complacent. We have to do our part and prepare because other teams are getting more serious to beat us.”
Tatangkain ng Lady Troopers na kalusin ang Generika mamayang sa Batangas City Coliseum sa Batangas para manatili sa unahan ng standings ng Philippine Superliga All-Filipino Conference women’s volleyball tournament.
Hawak ng RC Cola-Army ang 5-0 baraha, kasalo sa unahan ang F2 Logistics na pakay din pagpagin ang Petron Tri-Activ Spikers sa unang laro.
“Petron is a dangerous team.” sabi ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus. “We know that it wants to get back on top. So we have to work hard and be ready for all the challenges they will throw at us.”
Sa 4-1, puwedeng umakyat sa unahan ang Tri-Activ Spikers.
Samantala, ipapakilala din mamaya ang pang-apat na miyembro ng PSL All-Star team na sasabak sa FIVB Women’s Club World Championship sa Manila sa Oct. 18-23 pagkatapos ng first game.
Unang binigyan ng “Golden Tickets” sina RC Cola-Army teammates Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga at Kim Fajardo ng F2 Logistics.
Ang mga powerhouse na bansang kasali sa prestihiyosong event ay ang reigning champion Rexona Ades ng Brazil, European titlist Pomi Casalmaggiore ng Italy at Asian supremo Bangkok Glass ng Thailand.