Mga laro sa Martes:
(FilOil Flying V Centre)
2:00 p.m. – Generika
vs PLDT
4:15 p.m. – Petron
vs Foton
7:00 p.m. – Sta. Lucia
vs Cignal
Bumangon ang last year’s runner-up F2 Logistics mula sa pagkakadapa matapos ikahon ang 25-20, 25-21, 25-19 panalo laban sa PLDT Fibr kagabi sa Philippine Superliga Grand Prix sa Muntinlupa Sports Center.
Kumayod ang tigasing import na si Lindsay Stalzer ng 19 points habang nag-ambag si Becky Perry ng 12 markers para sa Cargo Movers na may 6-1 karta.
Nakalsuhan ang five-game run ng F2 Logistics nang yumuko sila sa defending champion Petron Blaze Spikers noong Huwebes.
Solo sa second spot ng team standings ang Cargo Movers, isang laro ang hinahabol sa Blaze Spikers na nakatambay sa top spot kapit ang malinis na pitong panalo matapos pagpagin ang Cignal sa unang laro.
Bumira si Grace Lazard ng 16 puntos para sa PLDT na nalasap ang pang-apat na talo sa pitong salang. (Elech Dawa)