Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
5:00 p.m. – F2 Logistics vs. Generika
7:00 p.m. – Cignal vs. Petron

Ibubuhol ng F2 Logistics ang three-game winning streak kontra Generika para masiguro ang pagsampa sa semifinals ng Asics Philippine Superliga All-Filipino Conference.

Naka-pamewang sa pangatlong puwesto ang Cargo Movers karga ang 5-3 karta, magkakaldagan sila ng Lifesavers sa first game mamaya sa The Arena sa San Juan.

Katatapos lang ng Cargo Movers na mantsahan ang malinis na record ng defending champion Foton noong Martes.

Humarabas si American import Hayley Spelman 23 points para sa F2 Logistics, nagtala sina Aby Maraño, Ara Galang at skipper Cha Cruz ng 16, 13 at 12 markers para ipalasap sa Tornadoes ang unang talo sa pitong laro.

Nasasangga ng Cargo Movers ang mga ateke ng Tornadoes, naging solido sina Maraño at Spelman sa depensa sa net. Sina Dawn Macandili at Cruz ang umako sa floor defense.

Mananatili sa third spot ang F2 Logistics kapag nagwagi sila sa Generika pero panigurado na sila sa semis dahil ang RC Cola-Army na lang ang puwedeng pumantay sa kanilang anim na panalo.

Magkakaldagan ang Petron at Cignal sa second game.

Solo sa unahan ang 7-1 Tri-Activ Spikers, nasa ilalim ang 1-5 HD Spikers.