F2 LOGISTICS NAKAUNA

psl-foton-f2logistic
psl-foton-f2logistic
Nakaabang si Aby Maraño (2) ng F2 Logistics sa gagawin ni Jaja Santiago (3) ng Foton. Tinakasan ng Cargo Movers ang Tornadoes 25-20, 25-14, 9-25, 20-25, 15-10 sa opener ng best-of-3 series ng PSL All-Filipino finals. (Patrick Adalin)

Pahirapan na hinambalos ng F2 Logistics Cargo Movers ang Foton Logistics 25-20, 25-14, 9-25, 20-25, 15-10 sa Game 1 ng best-of-three finals ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan kagabi.

Matapos itabala ng Tornadoes sa tiga-dalawang sets ang laro, pumutok ang Cargo Movers sa fifth para makauna sa serye na tatangkain nilang walisin sa Sabado sa parehong venue.

Bumira si Aby Maraño ng 17 points para sa F2 Logistics.

Nasukol ng RC Cola-Army Lady Troopers sa limang sets ang Petron Tri-Activ Spikers, 25-18, 25-23, 21-25, 19-25, 15-11 para magmartsa sa third place.

Umarangkada ang Tri-Activ Spikers ng dalawan­g sunod na panalo sa sets 3 at 4 para itabla ang iskor sa 2-2 pero tumirik ang mga ito sa fifth frame at naambus ng Lady Troopers ang panalo.

“Alam naming baba­ngon at babangon ang Petron kaya ang sabi ko sa kanila na tapusin na natin ito,” wika ni RC Cola-Army team captain Jovelyn Gonzaga.

Nirehistro ni Gonzaga ang 17 attacks, five blocks at 14 digs para sa 22 points upang tulungan ang three-time PSL champion RC Cola-Army.

Matamlay ang nilaro ng Lady Troopers sa fourth set pero matapos masabihan ng kanilang head coach ay biglang pumutok ng 5-0 sa umpisa ng fifth set.

“Natapos kami ng maayos walang nasktan sa amin, salamat dahil nandito pa rin mga fans na pumapalakpak s amin,” ani RC Cola-Army coach Kung Fu Reyes.

Bumanat ng 15 puntos si Honey Royse Tubino para sa Lady Troopers, nag-ambag sina Nerissa Bautista at Jessey de Leon ng tig 10. May 29 excellent sets si Sarah Jane Gonzales.

Namuno sa opensa ng Petron si Bernadeth Pons na kumana ng 17 points habang may 12 at 11 markers sina Aiza Maizo at Frances Molina.